Latest News

Climate Smart Farm Business School Graduation

Fellow agri-entrepreneurs and farmers, nais kong ibahagi ang aking pagtatapos sa Climate Smart Farm Business School Training ngayong linggo. Napakasarap ng pakiramdam na makilala at makisalamuha ang aking kapwa farm owners / managers na tulad ko ay nais palawakin ang kanilang kaalaman sa pagpapatakbo ng kanilang farm. Masarap ang pakiramdam na hindi tayo nag-iisa sa ating hangarin na mas mapabuti at gawing mas moderno ang kalagayan ng agrikultura sa ating bansa. Gayundin, na buo ang suporta ng ating gobyerno sa Livestock Farming.

Ikinalulugod ko na ako’y mapiling kinatawan at tagapagsalita ng Region 1 sa aming Graduation. Bilang isang dating OFW na noon na hubad sa kahit anong kaalaman sa Agrikultura at Farming, isa itong patunay na ang sipag, tiyaga, at pagkilos ay nagbubunga sa pag-asenso. Sana ay matutunan nating lahat na magbunga kung saan man tayo itanim. Madalas ay dadalhin tayo ng buhay sa hirap o hindi kumportableng sitwasyon. Ngunit alalahanin natin na sa halip na huminto ay dapat tayong matuto, mag-adjust, at mag-grow kung saan tayo dinala.

At heto na ako, dating OFW na ang kaharap ay computer, ngayon Magsasaka at Farmowner, na ang kaharap ay mga tao, hayop, komunidad. Sana ay patuloy ang aking pagtataya sa larangang ito na lubos ko nang minamahal ngayon.

Maraming Salamat po, Madam Senator Cynthia Villar sa pagmamalasakit mo sa ating bayan at pagsulong ng agrikultura!

Scroll to top
Got more questions? Message us!