Latest News

Inspirational Speech At The World Class Philippines Awards Night

Isang malaking parangal sa akin ang pagtanggap ng World Class Philippines 2018 Award, gayundin ang oportunidad na makapag-bahagi ng Inspirational Speech sa aking mga kapwa leaders at mga panauhin na naroon (World Class Philippines 2018, Gabi ng Parangal, 18 June, City of Dreams, Manila). Dahil dito, nais ko ring ibahagi sa inyo ang aking mga sinabi nang gabi ng pagpaparangal. Sana ay mayroon kayong matutunan, o paghugutan ng inspirasyon, lalo na kapag may hinaharap ng pagsubok sa buhay man o negosyo. Sana ay magkaroon tayo ng pag-asa at tapang na harapin ang hamon ng mga susunod na taon!

Salamat sa Diyos na lagi niya tayong pinapatnubayan.

Good evening fellow leaders and change-makers of our country. I’m here to speak about the current situation of our growing population and how a modernized Agricultural sector can help solve our problems in the years to come. 

First, let’s talk about numbers:
107 Million – that’s the current number of Filipinos we have to feed and this number is bound to increase. Currently, we lack food security and rely on imports from our neighbouring countries to meet the demands of our people. (Gusto mong maglagay dito ng numbers). The average age of farmers is 57 and many of your younger generations do not want to become involved in Agriculture. We are in danger of producing enough food for our fellow men in the years to come. 
 
BUT I believe the actions of companies like Farmcradle, can make a huge impact on providing Food security for the future generations of Filipinos. 
 
Ako po noon, bago pumasok sa pagsasaka ay isang OFW sa Singapore na araw-araw ay kaharap ang computer. Noong una kong makilala si Dex Villamin na founder at CEO ng DV Boer farm, parent company ng Farmcradle, ay namulat ako sa potensyal na maibibigay ng Agrikultura sa ating bansa. 
 
Maliit lamang po ang Farmcradle nang una itong nagsimula noon 2016. 2.5 ektarya ng lupa na hindi napapakinabangan sa probinsiya ng Pangasinan. At ngayon ay mahigit limang ektarya na, may mahigit 60 tauhan, at 4 na subfarms na may kanikanilang staff at farmhands.
 
Masasabi ko po na ang pagiging “moderno” (make quotation marks actions) ng aming farm, ay hindi lamang sa paggamit ng makabagong teknolohiya, kaalaman, gayundin ng Social Media sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa aming sektor.
 
Ang modernong Farm ay nakatuon din sa mga buhay ng mga magsasaka at sa pagsisigurado na ang larangan ng Agrikultura at pagsasaka ay nanaising salihan ng mga darating na henerasyon. 
 
Sasabihin ko po ang sikreto ng Farmcradle. Sa aming farm, ang lahat ng permanent staff ay may SSS, at Philhealth kasama sa kanila kita na mataas sa minimum wage. Taon-taon kaming nagbabahagi ng ani ng bigas, nagbibigay tulong sa mga panahon ng sakuna, gayundin ng gamit-pangeskwelahan ng kanilang mga anak, at marami pang iba. Ginagawa naming prayoridad ang pagtataas di lamang ng kanilang buhay, kundi ng kanilang self-worth. Binibigyan namin sila ng mukha at papuri sa kanilang kontribyusyon sa aming paglago. Masasabi kong hindi ito karaniwan sa mga existing farms nang una ko itong pinasok. 
 
Bakit kamo namin ito ginagawa? 
Naniwala ako na kapag inalagaan mo ang iyong mga tao, ay aalagaan nila ang iyong negosyo. Ituturing nila ang kanilang trabaho na parang kanila rin at hindi nila pababayaan. At higit sa lahat, nanaisin itong salihan ng ating kabataan dahil makikita nilang mayroon silang kinabukasan at kabuhayan sa pagsasaka. 
 
Kapag inuna mo ang pag-aalaga sa iyong tao, sunod-sunod na riyan ang biyaya ng darating sa iyong paglago. Kami po ngayon ay nagsisimula na magsupply ng Angas beef – the filipino premium beef, gayundin ng Goat’s meat at eventually Goat’s milk, Heritage Chickens, at organic produce. Kami po ay binibisita dahil mayroon kaming iba’t ibang hayop sa aming farm tulad ng camels, ostritches, ducks, horses at sari-sari pa pong mga hayop. Ang aming farm ay training center rin ng aming mga karatig farm at tinuturuan namin sila ng work and management skills na epektibo naging epektibo sa amin. Bukas-palad po kami sa pagpapalaganap ng pamamaraan ng aming pagsasaka para sabay-sabay kaming mga farms sa paglago. 
 
AT dahil diyan, pinamalaki pong biyaya na binigay sa amin ngayon, ay ang paglago patungo sa pagiging Farm School at Farm Resort. Una ko pong ibabahagi sa inyo, dahil nabibilang pa lamang sa daliri ng aking mga kamay ang nakaka-alam.
 
Nitong linggo lamang po ay nagpirmahan na kami sa pagbili ng karagdagang ….. 15 ektarya … sa Farmcradle. Mula 2.5 ektarya noong 2016, ngayon, 22 ektarya na kami!
 
Lahat po ito ay nakakamit namin dahil sa tiwalang binigay ng aming mga partners, followers at supporters, gayundin sa tapat na serbisyo ng aming mga magsasaka. Lahat po ito ay tutulong sa aming longevity sa aming sektor at sa pag-ambag sa food security ng mga Pilipino, gayundin sa tunay pag-angat kabuhayan ng aming komunidad at mga magsasaka. 
 
Hinihimok ko rin kayong maging mavericks ng inyong mga sektor, gawin nyo ang tama kahit mahirap o hindi nakasanayan pra sa ikabubuti ng inyong mga tauhan at kliyente. Yan po ay lahat masusuklian ng doble-doble, triple at higit pa.
 
Sana po ay may naibahigi ako sa inyong kaalaman at naging inspirasyon ngayon gabi. maraming salamat!

Scroll to top
Got more questions? Message us!