Blog

2011 – 2015

Pangasinan Adventure – Hundred Islands

A little north-west of Balungao and just an hour away is Alaminos, which boats of the Hundred Islands National Park. The Hundred Islands consist of 123 various-sized, mushroom-shaped islands scattered across Lingayen Gulf, covering an area of approximately 17sqm.

Inspirational Speech At The World Class Philippines Awards Night

Isang malaking parangal sa akin ang pagtanggap ng World Class Philippines 2018 Award, gayundin ang oportunidad na makapag-bahagi ng Inspirational Speech sa aking mga kapwa leaders at mga panauhin na naroon (World Class Philippines 2018, Gabi ng Parangal, 18 June, City of Dreams, Manila). Dahil dito, nais ko ring ibahagi sa inyo ang aking mga sinabi nang gabi ng pagpaparangal. Sana ay mayroon kayong matutunan, o paghugutan ng inspirasyon, lalo na kapag may hinaharap ng pagsubok sa buhay man o negosyo. Sana ay magkaroon tayo ng pag-asa at tapang na harapin ang hamon ng mga susunod na taon!

Salamat sa Diyos na lagi niya tayong pinapatnubayan.

Good evening fellow leaders and change-makers of our country. I’m here to speak about the current situation of our growing population and how a modernized Agricultural sector can help solve our problems in the years to come. 

First, let’s talk about numbers:
107 Million – that’s the current number of Filipinos we have to feed and this number is bound to increase. Currently, we lack food security and rely on imports from our neighbouring countries to meet the demands of our people. (Gusto mong maglagay dito ng numbers). The average age of farmers is 57 and many of your younger generations do not want to become involved in Agriculture. We are in danger of producing enough food for our fellow men in the years to come. 
 
BUT I believe the actions of companies like Farmcradle, can make a huge impact on providing Food security for the future generations of Filipinos. 
 
Ako po noon, bago pumasok sa pagsasaka ay isang OFW sa Singapore na araw-araw ay kaharap ang computer. Noong una kong makilala si Dex Villamin na founder at CEO ng DV Boer farm, parent company ng Farmcradle, ay namulat ako sa potensyal na maibibigay ng Agrikultura sa ating bansa. 
 
Maliit lamang po ang Farmcradle nang una itong nagsimula noon 2016. 2.5 ektarya ng lupa na hindi napapakinabangan sa probinsiya ng Pangasinan. At ngayon ay mahigit limang ektarya na, may mahigit 60 tauhan, at 4 na subfarms na may kanikanilang staff at farmhands.
 
Masasabi ko po na ang pagiging “moderno” (make quotation marks actions) ng aming farm, ay hindi lamang sa paggamit ng makabagong teknolohiya, kaalaman, gayundin ng Social Media sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa aming sektor.
 
Ang modernong Farm ay nakatuon din sa mga buhay ng mga magsasaka at sa pagsisigurado na ang larangan ng Agrikultura at pagsasaka ay nanaising salihan ng mga darating na henerasyon. 
 
Sasabihin ko po ang sikreto ng Farmcradle. Sa aming farm, ang lahat ng permanent staff ay may SSS, at Philhealth kasama sa kanila kita na mataas sa minimum wage. Taon-taon kaming nagbabahagi ng ani ng bigas, nagbibigay tulong sa mga panahon ng sakuna, gayundin ng gamit-pangeskwelahan ng kanilang mga anak, at marami pang iba. Ginagawa naming prayoridad ang pagtataas di lamang ng kanilang buhay, kundi ng kanilang self-worth. Binibigyan namin sila ng mukha at papuri sa kanilang kontribyusyon sa aming paglago. Masasabi kong hindi ito karaniwan sa mga existing farms nang una ko itong pinasok. 
 
Bakit kamo namin ito ginagawa? 
Naniwala ako na kapag inalagaan mo ang iyong mga tao, ay aalagaan nila ang iyong negosyo. Ituturing nila ang kanilang trabaho na parang kanila rin at hindi nila pababayaan. At higit sa lahat, nanaisin itong salihan ng ating kabataan dahil makikita nilang mayroon silang kinabukasan at kabuhayan sa pagsasaka. 
 
Kapag inuna mo ang pag-aalaga sa iyong tao, sunod-sunod na riyan ang biyaya ng darating sa iyong paglago. Kami po ngayon ay nagsisimula na magsupply ng Angas beef – the filipino premium beef, gayundin ng Goat’s meat at eventually Goat’s milk, Heritage Chickens, at organic produce. Kami po ay binibisita dahil mayroon kaming iba’t ibang hayop sa aming farm tulad ng camels, ostritches, ducks, horses at sari-sari pa pong mga hayop. Ang aming farm ay training center rin ng aming mga karatig farm at tinuturuan namin sila ng work and management skills na epektibo naging epektibo sa amin. Bukas-palad po kami sa pagpapalaganap ng pamamaraan ng aming pagsasaka para sabay-sabay kaming mga farms sa paglago. 
 
AT dahil diyan, pinamalaki pong biyaya na binigay sa amin ngayon, ay ang paglago patungo sa pagiging Farm School at Farm Resort. Una ko pong ibabahagi sa inyo, dahil nabibilang pa lamang sa daliri ng aking mga kamay ang nakaka-alam.
 
Nitong linggo lamang po ay nagpirmahan na kami sa pagbili ng karagdagang ….. 15 ektarya … sa Farmcradle. Mula 2.5 ektarya noong 2016, ngayon, 22 ektarya na kami!
 
Lahat po ito ay nakakamit namin dahil sa tiwalang binigay ng aming mga partners, followers at supporters, gayundin sa tapat na serbisyo ng aming mga magsasaka. Lahat po ito ay tutulong sa aming longevity sa aming sektor at sa pag-ambag sa food security ng mga Pilipino, gayundin sa tunay pag-angat kabuhayan ng aming komunidad at mga magsasaka. 
 
Hinihimok ko rin kayong maging mavericks ng inyong mga sektor, gawin nyo ang tama kahit mahirap o hindi nakasanayan pra sa ikabubuti ng inyong mga tauhan at kliyente. Yan po ay lahat masusuklian ng doble-doble, triple at higit pa.
 
Sana po ay may naibahigi ako sa inyong kaalaman at naging inspirasyon ngayon gabi. maraming salamat!

Sandy Santos – World Class Filipino Awardee

Our Farmcradle Family is immensely proud of Sandy Santos, our Founder and CEO. She is among the special few to receive The World Class Philippines 2018 Award tonight at the City of Dreams Manila. She is being recognized as one of the changemakers and leaders who has made a noticeable impact in the field of Agriculture. Her unquenchable desire to spread information, innovations, and stories about Farming has reached many Filipinos and is changing the perception of this age-oldsector to that of a desirable investment opportunity and a place for our future generation.

 

Her story of growth and struggle is an inspiration to us all.

 

We are Proud to be a part of Farmcradle and what it’s created, we are immensely lucky to have such a strong female leader who is changing the lives of our community.

 

Congratulations, Sandy Santos, it is our honor to work with you and be a part of what Farmcradle is creating.

 

– Your FC Family

 

Sneak Peak To Our Latest Addition

EVERY BARREN LAND IS A VISION WAITING FOR A VISIONARY.

-Fela Durotoye

These are the photos and video of our newly acquired 15-hectares in Brgy. Esmeralda, Balungao, Pangasinan. As we envision the future we are about to build, we are always reminded of our fellow Filipinos, the closest to us – our farmhands and staff – and how a project with this scale can affect the lives of so many in the community.

 

In our growth, YOU are included too. 


Thank you for your overwhelming support!

Our BIG ANNOUNCEMENT!

Here’s our BIG announcement. Watch the video to find out!

We are CRAZY EXCITED. And above all, we are SINCERELY GRATEFUL for all your support to make this possible. This is just the first step towards our great goals. There will be more challenges ahead but we are confident with the knowledge we are doing something good and right for our people!

Climate Smart Farm Business School Graduation

Ikinalulugod ko na ako’y mapiling kinatawan at tagapagsalita ng Region 1 sa aming Graduation. Bilang isang dating OFW na noon na hubad sa kahit anong kaalaman sa Agrikultura at Farming, isa itong patunay na ang sipag, tiyaga, at pagkilos ay nagbubunga sa pag-asenso. Sana ay matutunan nating lahat na magbunga kung saan man tayo itanim.

Our Farm Story

Our Farm Story

Hindi maikakaila na malayo na ang narating ng Farmcradle pamula noong 2016. Mula sa isang bodegang lupa na hindi napapakinabangan patungo sa FarmZoo, Livestock Producer, at tagapagibigay kabuhayan sa Balungao Pangasinan, isang kwento ng tagumpay sa pagsusumikap ang kwento ng aming farm.
 
25 taon na walang pakinabang ang farm sa Balungao.
Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Sandy Santos at dating bahay bakasyunan na dinarayo ng mga maliliit na magpipinsan dahil sa napakaraming puno ng mangga. Madami ritong naging ala-ala ng mga family reunions at mga tawanan ng mga magpipinsan, gayundin mga saluhan ng mga magkakamag-anak.
 
Paglipas ng panahon, naging abala na sa kani-kanilang buhay at kinailangan nang pagtuunan ng pansin ang kolehiyo ng magkapatid na si Sandy and Stone. At dahil dito, ginawang paupahan ang kanilang 2.5 ektarya na farm sa halagang ₱1,500/month – napakaliit. Ang malungkot dito ay ginawang bodega ang bukid at hindi inalagaan. Sa kalagayan noon, talagang wala itong pag-asang maging hayupan o matayuan ng kahit anong negosyo – binabaha, mukhang basura at parang naging haunted house.
 
Ngunit! Dahil sa pagtatagpo ng tamang tao (si Dex ng DV Boer Farm at si Sandy Santos), gayundin sa pagbukas ng isipan na dala ng kaalaman, dag-dagan na rin ang tapang at tibay ng loob na humarap sa pagsubok ng pagnenegosyo – ipinanganak ang Farmcradle.
Hinihimok ng Farmcradle na maging responsableng negosyo na may hangarin na hindi lamang makapag-ambag sa Agrikultura at magkaroon ng kita, ngunit maging aktibong bahagi ng komunindad at makapagbigay ng hanapbuhay sa marami.

Ang istorya ng Farmcradle ay maaaring sa inyo rin. Posibleng may hawak tayong yaman na napapabayaan natin. Maaaring kulang lang tayo sa kaalaman o hindi tayo bukas sa ibang paraan upang gamitin ang ating kayamanan at talino.

Hinikayat namin kayo na kami ay mas kilalanin at sabayan sa aming paglago. Nais rin naming kayong bigyang inspirasyon at lakas ng loob na magsimula sa inyong negosyo o makipag-partner sa Farmcradle upang magkapag-ambag ng mabuti sa ating bansa.

Brigada Eskwela 2018

Masaya ang Farmcradle na maging aktibong myembro ng ating komunidad at makapag-ambag ng aming oras at kakayanan upang makatulong sa iba’t-ibang sektor tulad ng edukasyon .

Angas Beef Launch Milestone Event

Let’s congratulate ourselves for achieving this great Milestone. It is the start of a new chapter for us and we continue to ask for your support to make our vision of a bountiful Philippine Agriculture sector possible. Let’s continue to support Philippine products and businesses that are making a positive change in our country! Magkahawak-kamay tayo sa pag-unlad!

Scroll to top